Mga karapatang pantao ng mga kandidato at botante, nasisikil sa patakaran ng COMELEC

Nakiisa si Senator Koko Pimentel sa panawagan na repasuhin at baguhin ng Commission on Elections (COMELEC) ang inilabas nitong mga patakaran sa pangangampanya ng mga kandidato sa 2022 elections.

Katwiran ni Pimentel, nasisikil na ang maraming karapatan ng mga kandidato at botante dahil sa mga regulasyon ng COMELEC na mahirap naman daw gawin.

Pangunahing tinukoy ni Pimentel ang karapatang magtipon, magsalita at magkaroon ng interaksyon.


Base sa resolusyon ng COMELEC, bawal ang physical contact sa political activities upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Pinagbabawal din ng COMELEC ang kamayan, yakap, paghalik, pagkakapit-braso at selfie.

Nasa patakaran din ng COMELEC na kailangang kumuha muna ng permit mula sa Comelec Campaign Committee bago mag apply ng mayor’s permit para sa in-person campaign activities.

Para kay Pimentel, micro-managing ang ginagawa ng COMELEC na masyadong pagkontrol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga kandidato.

Facebook Comments