Mga kasabwat ng scammer na gumagamit ng pangalan ng mga pulitiko, pinatututukan ng CIDG

Inaalam na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lawak ng operasyon ng big time scammer na kanilang naaresto.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., kanya nang pinatutukoy ang mga kasabwat ng scammer na si Edward Diokno Eje.

Si Eje ay unang naaresto sa BGC, Taguig City matapos manutok ng baril sa isang motorcycle rider at nagpakilalang taga-Office of the President.


Nasa likod din ito nang pag-aalok ng posisyon sa gobyerno at ‘government project for sale’ scam kapalit ng malaking halaga ng salapi kung saan ginagamit din nito ang pangalan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pang-i-scam.

Sinabi ni Caramat, walang government position for sale.

Kasunod nito, patuloy na hinihikayat ng CIDG ang mga nabiktima pa ni Eje na makipagtulungan sa kanila upang tuluyang mapanagot sa batas ang suspek.

Facebook Comments