Mga kasabwat sa pagpatay sa isang brgy. kapitan sa Taal, Batangas arestado

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa 2 kasabwat ng bumaril sa Barangay Chairman ng Taal, Batangas kahapon na si Erasmo Hernandez.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, pormal na ring nasampahan ang mga ito ng reklamong Obstruction of Justice.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natunton ang 2 kasabwat nang magkasa ng follow up operations ang pulisya sa tulong na rin ng CCTV sa lugar.


Nakita kung saan dinala ng mga suspek ang kanilang ginamit na motorsiklo, helmet, at ang mga suot na damit.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang follow up operations upang matunton ang kinaroroonan ng mastermind sa krimen at matukoy ang pagpaslang sa re-eclectionist na si Hernandez.

Facebook Comments