Mga kasal na isinagawa ni dating Mayor Alice Guo, pag-aaralan ng PSA kung valid

COURTESY: Senate of the Philippines

Pag-aaralan ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung valid o may bisa ang mga kasal ni isinagawa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sakaling maaprubahan ang pagkansela sa birth certificate nito at madeklara siyang hindi tunay na Pilipino.

Tugon ito ng PSA sa pag-usisa ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos sa naturang usapin sa deliberasyon ng Kamara sa panukalang pondo ng PSA para sa 2025.


Si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos naman ay naniniwalang valid o may bisa mga kasal na ginawa ni dating Mayor Guo kung ito ay in good faith o may mabuting intensyon o paniniwala.

Sinabi ito ni Abalos base sa nakasaad sa Chapter 3, Article 35, Paragraph 2 ng Philippines’ Family Code.

Facebook Comments