Mga kasalanan ni Nuezca, hindi na sakop ng panunungkulan ni Jesse Robredo – VP Leni

Mariing itinanggi ni Vice President Leni Robredo na walang ginawa ang kanyang namayapang asawa na noon ay dating Interior Secretary Jesse Robredo sa administrative cases na kinakaharap ng pulis na sangkot sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac.

Lumalabas na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ay nahaharap sa kasong homicide, grave misconduct at serious neglect of duty noong 2010.

Sa kanyang social media post, isinama ni Robredo ang litrato ng online posts ng ilang trolls kung saan walang ginawang aksyon noon ang kanyang mister na pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) sa mga offenses ni Nuezca.


Iginiit ni Robredo na umupo sa kagawaran ang kanyang asawa July 2010 at namatay noong August 2012.

Nais lamang linlangin ng mga trolls ang mga tao dahil wala sa kaso ni Nuezca ang nakabinbin o ginawa sa ilalim ng termino ng kanyang asawa.

Sa listahan ng administrative cases na kinakaharap ni Nuezca, dalawa ay may kinalaman sa hiwalay na homicide cases noong nakaraang taon.

Facebook Comments