Mga kasalukuyang opisyal na kakandidato para sa ibang posisyon, ituturing na “resigned”

Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo sa Senado na ituring na “resigned” na sa posisyon ang isang kasalukuyang opisyal kapag naghain ito ng kandidatura para sa ibang elective post.

Tinukoy ni Tulfo na bagamat nakasaad sa Omnibus Election Code na ang isang elective official na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa ibang posisyon ay ituturing na “resigned” o nagbitiw na sa pwesto maliban sa mga posisyon para sa presidente at bise presidente.

Iginiit ni Tulfo ang hindi patas na pagtrato sa batas dahil ang mga tumakbo para sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ay maaari pang bumalik sa kanilang mga dating mga pwesto kapag natalo sa eleksyon.


Mas lalo pa aniya itong pinalala ng pagsasabatas ng Fair Elections Practices Act na nagbabalewala sa nakasaad sa Omnibus Elections Code.

Dagdag pa ni Tulfo, ang kasalukuyang estado ng batas ay nagbibigay daan lang sa sinumang elective public official na tumakbo sa anumang posisyon bukod pa sa kasalukuyang pwesto na walang pangamba na matatalo.

Facebook Comments