MGA KASALUKUYANG PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA SA DAGUPAN CITY, INAASAHANG MAKATUTULONG SA PAGPAPABILIS NG TRANSPORTASYON

Inaasahan na makakatulong sa pagpapabilis ng transportasyon ng mga residente at motorista pagpapagaan ang mga nagpapatuloy at mga nakaabang pang mga proyektong imprastraktura sa Dagupan City.

Sa State of the City Address o SOCA ni Mayor Belen Fernandez, inilahad nito ang mga kasalukuyang isinasagawang road projects sa iba’t-ibang barangay sa lungsod at tinitiyak na ang lahat ay umuusad upang agaran na magamit at mapakinabangna ng mga motorista at residente.

Isa sa kanilang malalaking proyekto ay ang calmay bridge kung saan malaki umano ang maitutulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko dahil isa nanaman ito sa karagdagang pang daanan na kokonekta sa iba pang kalapit bayan.

Hindi lamang umano sa transportasyon ito makatutulong kung hindi pati na rin sa pagpapaunlad ng turismo at sirkulasyon ng kalakalan ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments