Mga kasama sa priority list, tanging mabibigyan ng bakuna – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na tanging ang mga nasa listahan ng priority individuals at areas ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magiging transparent sila sa kung sino ang makakatanggap ng bakuna lalo na ang mga dapat bigyan.

Pagtitiyak pa ni Vergeire, na ang mga pulitikong mapapasama sa listahan ay ang mga sakop lamang sa criteria na itinakda ng kagawaran.


Wala aniyang mangyayaring “VIP” treatment.

Sa ngayon, isinasapinal pa nila ang criteria para tukuyin ang mga indibiduwal na mapapasama sa listahan ng mga mababakunahan.

Facebook Comments