Mga kasambahay at mga manggagawang nasa ilalim ng job order at contract of service sa pribadong sektor, kinakailangang makatanggap ng 13th month pay ayon sa DOLE

Dapat na makatanggap ng 13th month pay maging ang mga kasambahay.

Binigyang diin nito ni Department of Labor and Employment (DOLE) Usec. Benjo Benavidez, sa harap ng mga paalala sa mga employer para sa 13th month pay na dapat nilang ibigay sa kanilang mga kawani batay na rin sa labor law at kasambahay law.

Maging ang mga kawani aniya na nasa ilalim ng job order at contract of service sa pribadong sektor ay kabilang din sa dapat makatanggap ng 13th month pay.


Ayon sa opisyal, lahat ng mga manggagawa, contractual, rank and file, o subcontractor, hangga’t nakapagserbisyo na ng isang buwan ay dapat nang mabigyan ng benepisyo.

Ang 13th month pay aniya ay labor standard ng gobyerno sa lahat ng mga manggagawa kahit ano pa man ang kanilang status sa trabaho.

Nilinaw naman ni Benavidez na ang mga job order at contract of service na mga kawani sa pamahalaan ay hindi sakop ng Presidential Decree 851.

Pero sa ibang ahensiya, aniya ng gobyerno na may mga kawani na contractual tulad ng nasa mga agency gaya ng security guard o janitorial services ay saklaw ng nasabing batas at entitled sa 13th month pay.

Facebook Comments