Mga kasambahay, dapat na may 8 oras na pahinga kada araw at may 24 oras na day off kada linggo ayon sa DOLE

Kinakailangan may pahingang 8 oras kada araw at may 24 oras na day off kada linggo ang mga kasambahay.

Sinabi ito ni Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, Director IV, ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Workers with Special Concerns sa Laging Handa public briefing.

Aniya, isa lamang ito sa mandatory benefits ng mga kasambahay sa Pilipinas.


Kapag nagkaroon aniya ng one year of service or length of service sa isang household, entitled na ang kasambahay ng 5 days annual service incentive leave na may bayad.

Entitled na rin daw dapat sa 13th month pay at dapat mayroon nang SSS, PhilHealth at PAGIBIG.

Bukod sa mandatory benefits na ito, mayroon din silang mga karapatang pantao.

Isa dito ay bawal na bawal na abusuhin at saktan ang mga kasambahay, dapat tiyaking ligtas ang lugar na tutulugan at pakainin, kapag nagkasakit dapat na mayroong first aid.

Sa ngayon, ayon pa kay Director UV Satumba, umaabot sa mula 3,500 hanggang 6,000 ang sweldo ng kasambahay sa Metro Manila.

Facebook Comments