Mga kasambahay, ipinasasama sa A4 category priority list ng COVID-19 vaccination program

Ipinasasama ni Probinsyano Ako Partylist Representative Jose “Bonito” Singson Jr. ang mga kasambahay sa A4 category ng priority list para sa COVID-19 vaccine.

Napuna ni Singson na halos lahat ng employed na mga Pilipino ay kabilang sa A4 priority category ng COVID-19 vaccination program pero hindi kasama rito ang 1.2 million na mga kasambahay sa bansa.

“If we want families that do not go outside their homes safe from the virus, we should also have our kasambahays inoculated the soonest possible time like all other workers tagged as essential or frontline,” ani Singson.


Ayon kay Singson, kung nais na maprotektahan ang mga pamilya laban sa virus ay mahalagang mabakunahan ang mga kasambahay at mailagay ang mga ito bilang essential worker o frontliner.

“They are at risk to infection of the killer virus because household helpers are usually the ones sent outside their homes for all sorts of errands, especially the purchase of food and other basic needs. Our kasambahays need immediate protection,” sabi ng mambabatas.

Paliwanag ng kongresista, mataas ang panganib na mahawaan ng COVID-19 ang mga household helpers dahil sila ang madalas na lumalabas ng tahanan para bumili ng mga kailangan tulad ng pagkain at iba pang basic needs kaya marapat lamang na mabigyan ang mga ito ng proteksyon.

Giit pa ng kongresista, hindi dahil kasambahay ay puro work from home lang ang trabaho nila.

Tinukoy ni Singson na ang mga kasambahay ang namamalengke, bumibili ng mga gamot, groceries, naglalabas ng basura at iba pang gawain sa labas ng bahay.

Facebook Comments