Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang limandaang pisong dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region.
Ibig sabihin, nasa P7,000 na ang buwanang minimum wage ng mga domestic worker o kasambahay na magiging epektibo agad sa January 4, 2025.
Samantala, aprubado na rin ng NWPC ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Northern Mindanao.
Nasa P23 ang dagdag sa sahod ng mga nasa non-agriculture sector sa rehiyon habang P35 sa agriculture sector na ibibigay sa loob ng dalawang bugso.
Dahil dito, magiging P461 na ang arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Northern Mindanao mula sa kasalukuyang P446.
Habang dadagdagan din ng P1,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na magiging epektibo pagsapit ng January 12, 2025.