Thursday, January 22, 2026

Mga kasambahay sa Metro Manila, may dagdag sahod simula ngayong February

Magpapatupad ng dagdag sahod para sa mga kasambahay sa Metro Manila simula ngayong February.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang umento sa sahod ng mga domestic worker o kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), may ₱800 na dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay, kaya aabot na sa ₱7,800 ang bagong minimum wage sa rehiyon.

Kabilang sa mga itinuturing na domestic workers ang mga nagtatrabaho bilang yaya, cook, gardener, tagalaba, at iba pang gumagawa ng gawaing bahay, maging stay-in o stay-out ang kanilang trabaho.

Magiging epektibo ang bagong buwanang sahod simula February 7.

Facebook Comments