Pinalagan ng ilang mga residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City ang ordinansa na nagbibigau karapatan sa mga otoridad na dikitan ng drug-free sticker ang mga kabahayan.
Kahapon nagbahay-bahay ang mga opisyal ng barangay upang dikitan ng drug free sticker ang mga kabahayan.
Kinukuwestyon ng mga residente ang ginagawang stickering dahil wala naman itong sapat na basehan at nagdudulot lamang ng ng takot .
Ayon kay Jane Dela Pesa, walang sapat na basehan ang otoridad sa paglalagay ng sticker sa kabahayan.
Simpleng interogasyon lamang ang ginagawa at agad na dinidikitan na kaagad ang bahay.
Pagtataka naman ni Emily Gahol na bakit hindi lahat ng bahay ay nadikitan ng sticker.
May mga bahay di umano na hindi nalibot ng otoridad.
Hiling ng mga residente na dapat magkaroon ng maayos na proseso ukol sa ordinansa. Mas mabuti na sumailalim ang mga residente sa drug test para masigurong drug free ang isang tao.