Mga kasapi ng Aegis Juris Fraternity, matagal nang hindi nakipagtulungan sa MPD; Mga kakasuhang sorority, inaalam pa ng MPD

Manila, Philippines – Masusing inaalam pa rin ng Manila Police District kung ilang mga kasapi ng Regina Juris, sister Sorority ng Aegis Juris Fraternity ang kakasuhan ng mga pulis sa kanilang partisipasyon sa hazing rites kay Horacio Atio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, simula noon ang Aegis Juris Fraternity ay wala umanong intensiyong makipagtulungan sa pulisya upang malutas ang naturang kaso.

Paliwana ni Margarejo, sa media lang inihayag ng Aegis Juris na makikipagtulungan sila sa MPD pero sa realidad ay hindi sila nakikipag-ugnayan sa pulisya.


Inaalam din nila kung ilan talaga ang bilang ng mga Regina Juris ang sangkot sa naturang kontrobersya na hazing na ikinamatay na Atio.

Giit ni Margarejo, sa oras na malalaman nila kung sinu-sino ang nakikipag-participate saka nila kakasuhan sa DOJ.

Facebook Comments