Mga kasapi ng Police Regional Office 2, Nagdonate ng Dugo bilang Pakikiisa sa National Consciousness Month!

*TUGUEGARAO CITY*- Nakiisa ngayong araw ang pamunuan ng Police Regional Office 2 o PRO2 sa selebrasyon para sa National Consciousness Month sa pamamagitan ng Bloodletting Activity.

Batay sa ipinadalang impormasyon ng PRO2, nakalikom ang pamunuan nito ng nasa 14, 400 cubic centimeters ng dugo mula sa tatlumpu’t dalawang pulis na matagumpay na blood donors mula sa iba’t-ibang hanay ng PNP sa Cagayan.

Naging katuwang ng PRO2 ang Cagayan Valley Medical Center Blood Bank maging ang Regional Health Service 2 sa pagsasagawa ng Bloodletting Activity.


Ayon sa ipinahayag na talumpati ni Police Chief Superintendent John Cornelius Jambora bilang Officer in Charge ng PRO2, nagagalak ito sa kanyang mga ka- tropa dahil bukod sa kanilang pagpapanatili sa seguridad at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan ay kaya rin ng mga ito na magdonate ng dugo para sa mga taong nangangailangan.

Facebook Comments