Mga kaso kay Alice Guo, posibleng madagdagan pa – Office of the Solicitor General

Posibleng madagdagan pa ang mga kasong kinahaharap ng sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, isa sa maaaring madagdag sa kaso ni Guo ang paglabag sa Immigration law ng Pilipinas.

Ito ay kaugnay sa naging paraan ng paglabas ng bansa ni Guo na sinasabing iligal.


Ayon kay Guevarra, ang pagkakaaresto kay Guo ay inaasahang magpapabilis pa sa pag-usad ng mga kasong nakasampa laban sa kaniya.

Maituturing naman daw na isang babala sa mga nagtatago sa batas ang pagkakaaresto kay Guo sa Indonesia.

Patunay aniya ito na mahaba ang kamay ng batas at mahahabol ang sinumang mga nagtatago.

Facebook Comments