Mga kaso laban kay Kazuo Okada at grupo nito, binasura; hawak niya sa Okada Manila, lalong tumibay

Ibinasura kamakailan ng City Prosecutors Office ng Makati ang mga kaso ng falsification of public documents, use of falsified documents, and other deceit na isinampa ni Hajime Tokada laban kay Kazuo Okada at sa grupo nito.

Ang desisyon ito ay lalong nagpatibay sa posisyon pinanghahawakan ngayon ni Kazuo Okada at ng kaniyang grupo sa Okada Manila.

Sa reklamong isinampa ni Tokada, sinabi nito na diumano’y nagawa ng Okada ang mga nabanggit na krimen base sa isang sulat noong May 3, 2022 at sa Secretary’s Certificate na isinumite noong May 4, 2022 sa isang banko upang ipaalam ng grupo ni Kazuo Okada ang mga bagong signatories ng mga bank accounts ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc.


Ngunit ayon sanaging resolusyon ng Prosecutor’s Office ng Makati noong July 29, 2022 walang basehan ang lahat ng mga paratang ni Tokada at pinapawalang bisa nito ang lahat ng kasong isinampa laban sa grupo ni Kazuo Okada matapos nitong pag-aralang mabuti ang mga ebidensiyang iniharap sa kanila ng bawat partido.

Ayon sa panig ng Kazuo Okada Group, ang naging resolusyong ito ng Office of City Prosecutor’s ng Makati ay patunay lamang na lahat ng mga hakbang na ginawa ng grupo nila para mabawi nila ang control sa Okada Manila ay pawang may mga legal na basehan at sa kabila ng patuloy na pagpapakalat ng mga mali at inimbentong akusasyon ng Tokada group para guluhin ang operasyon ng Okada Manila.

Napatunayan ng desisyon ito ng OCP Makati na nasa tama ang mga aksyon ni Kazuo Okada, tulad na rin ng naunang desisyon ng Supreme Court sa pamamagitan ng pag-issue nito ng Status Quo Ante Order, at sa pagpanig sa kanila ng PAGCOR at ng Lungsod ng Parañaque.

Ipinahatid ni Antonio Cojuangco ang kaniyang pasasalamat sa City Prosecutor’s Office ng Makati sa naging mabilis at patas nitong resolusyon, sinabi ni Cojuanco na sa bandang huli nangibabaw ang katotohanan.

Ipinahayag naman ni Chairman Kazuo Okada ang paniniwala niya samaayos na pag-ikot ng sistema ng hustisya dito sa Pilipinas at patuloy na makakakuha ng katarungan ang mga taong sumusunod sa batas.

Dinagdag pa niya na laging makakaasa ang publiko at ang mga stakeholders at mga empleyado ng Okada Manila na siya at ang grupo niya ay laging papanig at susunod sa batas.

Facebook Comments