Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang reklamong kidnapping at serious illegal detention laban kay retired Army Major Gen. Jovito Palparan.
Sa 15-pahinang desisyon, ibinasura ng CA 4th division ang mosyon ni Palparan na reviewhin ang kaniyang warrant of arrest at ibasura ang criminal complaint laban sa kanya.
Si Palparan ay kinasuhan kaugany sa pagdukot noong 2006 at pagkawala ng dalawang up students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
Iginiit pa ng CA na ang mga alegasyon isinaad ni Palparan sa kanyang petition for certiorari ay factual at evidentiary in nature na kailangan maipahayag sa pamamagitan ng isang full-blown trial.
Una nang naaresto si Palparan noong august 12, 2014 sa isang bahay sa Santa Mesa, Manila matapos magtago ng ilang taon.