Mga kaso laban sa mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo, balak ilipat sa Metro Manila

Plano ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa Metro Manila ang lahat ng kaso kaugnay ng pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, nag-desisyon ang DOJ at Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-consolidate muna ang lahat ng isasampang reklamo sa mga korte.

Pagkatapos aniya nito ay ililipat na sa Metro Manila ang lahat ng kaso.


Tiniyak din ng DOJ na agad na isasailalim sa inquest proceedings ang iba pang mga suspek oras na maaresto na rin sila.

Sa ngayon kasi may ilan lang suspek sa krimen ang at large.

Facebook Comments