Target ng Department of Justice (DOJ) na maisampa sa korte sa March 30 o hindi kaya’y March 31 ang mga kaso laban sa mga sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Hindi naman masabi pa ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kung kasama sa mga kakasuhan si Negros Oriental 3rd Dist. Rep. Arnolfo Teves Jr.
Aniya, sa ngayon kasi ay umuusad pa ang preliminary investigation sa Degamo slay case.
Samantala, kinumpirma ni Remulla na may hawak ng listahan ang DOJ ng mga taong napatay sa Negros Oriental.
Sa inisyal aniyang listahan ay 17 ang mga biktima pero tiyak na madadagdagan pa ito habang umuusad ang case build up.
Naniniwala si Remulla na may grupo sa Negros Oriental na nasa likod ng mga insidente ng pagpatay sa probinsiya at hindi aniya imposibleng ang mga suspek na nasa likod nito ang siya ring grupong responsable sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.