Bumaba na sa 2% o 500 na lang ang active cases ng COVID-19 sa Quezon City.
Ito’y mula sa 24,189 na kumpirmadong bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus sa lungsod.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang ipinapakitang pagbaba ng kaso ay epekto ng masiglang bayanihan sa pagtutulungan ng bawat isa upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa komunidad.
Hanggang kahapon nasa 95% na o 22,999 COVID patient ang gumaling na sa sakit habang nasa 690 na ang namatay.
Gayunman may binabantayan pa ang pamahalaang lokal na 16,359 na suspected cases na natunton sa ilan pang barangay sa lungsod.
Facebook Comments