Nadagdagan pa ng 269 na bagong kaso ng COVID-19 ang Ilocos Region.
Dahil dito sumampa na sa 38 ang arawang kaso ng sakit sa rehiyon.
Nasa 64.0% pagtaas ang kaso kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa mga bagong kaso tatlo dito ang naitalang severe o critical.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 COVID-19 focal person, ang naitatalang kaso ay masasabi ng pagtaas ng naturang sakit sa rehiyon.
Bagamat may pagtaas ng kaso nanatiling nasa safe zone o 16% ang non-icu at icu bed utilization rate ng Ilocos Region.
Nasa 3. 7 milyong residente naman ng rehiyon ang fully vaccinated at higit 800, 000 ang nabigyan ng booster dose.| ifmnews
Facebook Comments