Mga Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Pumalo na sa Mahigit 37,000

20

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 37,038 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Lalawigan ng Isabela.

Ito’y matapos madagdagan ng 257 na bagong positibong kaso batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2.


Mayroon din naitala ang probinsya na 120 na bagong gumaling sa nasabing sakit at anim (6) na naidagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroong 3,673 na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela.

Umaabot naman sa 32,246 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 habang nasa 1,119 na ang naitalang total deaths ng probinsya.

Facebook Comments