Mga kaso ng COVID-19 variant sa bansa, patuloy na nadaragdagan

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng kaso ng United Kingdom at South African COVID-19 variant sa bansa.

Batay ito sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa ng Department of Health (DOH) noong Sabado, Mayo 8.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Althea de Guzman, naitala na ang UK variant sa 12 rehiyon sa bansa kung saan 358 cases ay nasa Metro Manila at 145 cases ay sa Calabarzon.


Ang South African variant naman ay mayroon na sa 15 rehiyon kung saan 602 cases ay nasa Metro Manila at 121 cases sa Calabarzon.

Giit ni De Guzman, habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay magpapatuloy pa rin ang mutation ng virus kaya’t dapat mapigilan na ang hawaan nito partikular na sa mga komunidad.

Facebook Comments