Mga kaso ng dengue sa bansa, umakyat na sa higit 64,000 – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 64,797 na kaso ng dengue sa bansa simula Enero 1 hanggang Hunyo 25 ngayong taon.

Mas mataas ito ng 90% kumpara sa mga kaso noong 2021 na nasa 34,074 lamang.

Ayon sa DOH, pinakamarami dito ay mula sa Central Luzon na nasa 9,426; na sinundan naman ng Central Visayas, 7,741; at Zamboanga Peninsula, 5,684.


Sa kabuuang kaso, 21,115 ang naitala mula Mayo 29 hanggang Hunyo 25, kung saan 18% dito ay mula sa Central Luzon; 11% sa Central Visayas; at 9% sa National Capital Region (NCR).

Samantala, umabot na sa 274 ang nasawi sa bansa dahil sa dengue, na katumbas ng 0.4% case fatality rate.

Facebook Comments