Mga kaso ng dengue sa Zamboanga City, patuloy na tumataas

Pumalo na sa higit 1,000 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lungsod ng Zamboanga.

Ayon kay Dr. Dulce Amor Miravite, health officer ng Zamboanga, sa kasalukuyan ay nasa 1,135 na ang kabuuang kaso ng dengue habang 14 na ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

Matatandaang nagdeklara na ng dengue outbreak ang Zamboanga nitong nakaraang linggo kasunod ng pagsipa ng bilang ng mga kaso ng dengue sa lugar.


Tiniyak naman ni Miravite na patuloy nilang isasagawa ang 4S para malabanan ang pagkalat ng dengue at araw-araw na rin nilang ginagawa ang search-and-destroy dahil sa patuloy na pag-ulan sa lalawigan.

Facebook Comments