Mga kaso ng early pregnancy sa bansa, patuloy na tumataas

Inirekomenda na ng Commission On Population (POPCOM) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng National Emergency on early pregnancy sa bansa.

Ito’y kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na nabubuntis

Ayon kay POPCOM Executive Director, Juan Antonio Perez, karamihan sa mga maagang nabubuntis ay mga nasa mahihirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.


Bukod sa 10 Bilyong Pisong hinihingi nilang pondo sa pamahalaan, dapat ding maipasa sa Kongreso ang nakabinbing panukalang tutugon sa teenage pregnancy para mapaigting ang Family Planning at Birth Control Programs.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong 2017, umabot na sa 196,478 ang mga nanganak na inang may edad 10 hanggang 19.

Sa survey naman ng National Demographic and Health Survey 2017, isa sa bawat 10 babaeng kabataan na may edad 15 hanggang 19 ang buntis o nanganak na.

Facebook Comments