MGA KASO NG FIRE-RELATED INJURIES SA REHIYON UNO, UMABOT NA SA 43

Umakyat na sa 43 ang kabuuang bilang ng firework-related injuries sa Region 1 mula Disyembre 21, 2025 hanggang Disyembre 27, 2025.

Ayon sa datos, may dagdag na 23 kaso na naitala noong Disyembre 27.

Gayunman, mas mababa pa rin ito ng 15.7 porsiyento kumpara sa naitalang 51 kaso sa kaparehong petsa noong 2024.

Batay sa tala, kabilang sa mga pangunahing sanhi ng mga pinsala ang paggamit ng unlabeled firecrackers, Five Star, at Pla-pla.

Pinakamaraming apektado ang nasa edad 30 hanggang 34 taong gulang na bumubuo sa 18.6 porsiyento ng mga kaso, habang 79 porsiyento ng mga biktima ay kalalakihan.

Samantala, patuloy ang panawagan ng Department of Health – Ilocos Region sa publiko na magdiwang nang responsable sa pamamagitan ng pag-iwas sa paputok, pagsunod sa road safety, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay bilang bahagi ng kampanyang “Ligtas Christmas, Magdiwang nang Healthy at Ligtas.”

Kaugnay nito, nananatiling nasa Code White alert ang lahat ng pampublikong health facilities sa rehiyon mula Disyembre 18, 2025 hanggang Enero 5, 2026 upang tumugon sa mga emergency, habang patuloy ring ipinatutupad ang zero-balance billing sa mga DOH hospital sa panahong ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments