MGA KASO NG FOREST FIRE SA PANGASINAN, MALAKI PA RING HAMON DAHIL SA CLIMATE CHANGE — DENR-PENRO PANGASINAN

Nanatiling malaking hamon ang mga kaso ng forest fire o pagkasunog ng mga kabundukan sa Pangasinan, lalo na sa nararanasang epekto ng climate change ngayong papasok ang summer season, ayon sa Department of Environment and Natural Resources – PENRO Pangasinan.

Ayon kay Nerissa Evasco, Development Management Officer II, pinaiigting ng tanggapan ang kanilang mga hakbang tulad ng forest monitoring, information campaign laban sa mga iligal na aktibidad, at pakikipagtulungan sa mga barangay, local government units, at Bureau of Fire Protection.

Kabilang din sa kanilang kasalukuyang isinasagawa ang pagtatanim ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin ni Evasco na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng ahensya kundi ng bawat isa sa komunidad upang higit pang mapagtibay ang proteksyon nito para sa susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments