Ikinaalarma ni Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Senador Win Gatchalian ang kaso ng mga mag-aaral na isinugod sa ospital nitong nakaraang dalawang linggo matapos gumamit ng mga ‘magic mushrooms’ na ginagawang alternatibo sa iligal na droga.
Kaugnay nito ay iginiit ni Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang Drug Prevention Program at mahigpit na pag-subaybay upang hindi malulong ang mga kabataan sa mga ipinagbabawal na gamot.
Diin pa ni Gatcalian, dapat malaman din kung gaano na karami ang naiulat na ganitong uri ng insidente.
Mahalaga din para kay Gatchalain na mabatid kung paano ito natuklasan ng mga mag-aaral, Saang mga lugar ito laganap at anu-ano ang naging mga epekto nito sa mga gumagamit.
Ipinaliwang ni Gatchalian na kung alam ng mga kinauukulan ang nabanggit na mga detalyeng ay mas magiging madali ang paglalatag ng mga solusyon para masiguro ang kaligtasan ng kabataan.