Manila, Philippines – Ngayong terminated o tinapos na ang opensiba ng militar laban sa mga terorista, pinababantayan naman ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Romeo Acop ang anumang kaso ng pagmamalabis sa pagpapatuloy ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Acop, ang mga kaso ng pang-aabuso at pagkontrol sa mga tao sa Mindanao ang dapat na bantayan dahil hindi pa rin naiaalis ang batas militar.
Pero, sa limang buwan na may martial law sa Mindanao ay wala pa namang naitatalang pangaabuso lalo na sa karapatang pantao.
Naniniwala naman si Acop na kaya hindi pa rin inaalis ang martial law sa rehiyon ay dahil may mga impormasyon ang mga otoridad na may ilan pang terorista sa Marawi.
Makakatulong din ang martial law para proteksyunan sa anumang banta ng terorismo ang mga magsasagawa ng rehabilitation at reconstruction sa Marawi City.