UNITED STATES – Muli na namang nalathala sa international publication ang gabi-gabing pamamaril at pamamaslang sa Metro Manila at maging sa maraming bahagi ng bansa.Sa New York Times, muling itnampok ang mga kaso ng pamamaril ng mga hinihinalang vigilante group at maging mga umano’y drug buy-bust operations ng mga otoridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.Ang naturang artikulo, na binuo ni New York Times journalist Daniel Berehulak, ay mainit na pinag-uusapan sa social media.Sa naturang artikulo, laman ang mga larawan ng maraming mga biktima ng mga pagpatay at maging ang paghihinagpis ng mga kaanak ng mga ito.Sa loob ng 37 araw na pagku-cover ni Berehulak, naitala nito ang 57 kaso ng pagpatay.Pahayag pa ni Berehulak sa kanyang artikulo, bagama’t nakapag-cover na siya ng iba’t-ibang kaganapan sa may 60 bansa tulad ng gyera sa Iraq at Afghanistan, ibang uri ng karahasan ang kanyang nakita dito sa Pilipinas.
Mga Kaso Ng Pamamaslang Sa Bansa, Muling Nailathala Sa New York Times
Facebook Comments