Mga kaso sa OSG, napapabayaan

Inakusahan ni Vice President Leni Robredo si Solicitor General Jose Calida ng pagpapabaya sa ibang kaso at pagtuon sa pansin sa sedition compaint ng PNP-CIDG laban sa kanya at higit 30 iba pa.

Base sa report ng Commission on Audit (COA), mahigit isang milyong kaso ang nakabinbin sa tanggapan ng SolGen mula pa noong December 31, 2018.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na mas inuuna pa ng SolGen ang kaso kinakaharap ng mga kritiko ng administrasyon kaysa sa tutukan ang ibang mga nakatambak at mga nakabinbing kaso.


Inaakusahan din ni Robredo si Calida na inaabogado ang pamilya Marcos.

Facebook Comments