Tinututukan ng City Health Office Dagupan ang mga kasong Dengue at Leptospirosis sa lungsod na talamak lalo ngayong panahon na ng tag-ulan, ito ang personal na ipinahayag ni Dra. Rivera sa naganap na Flag Raising Ceremony kahapon.
Hinikayat ang publiko na maging mapagmatyag at maalam sa mga kaalamang kaugnay sa paglaganap ng mga nasabing sakit tulad ng pagbabantay sa mga bahaging maaaring pamugaran ng mga lamok, partikular ang mga stagnant water.
Pinaalalahanan na dapat ang mga ito ay linisin at huwag hahayaang manatili sa ganun upang hindi na pagbahayan pa ng mga lamok na siyang pinagmumulan ng sakit na dengue.
Gayundin ang usong sakit ng Leptospirosis na nakukuha naman mula sa kontaminadong tubig baha dulot ng maruming ihi ng daga.
Gayundin ang usong sakit ng Leptospirosis na nakukuha naman mula sa kontaminadong tubig baha dulot ng maruming ihi ng daga.
Matatandaan na madalas na nararanasan ang high tide ngayon gayundin ang mga pag-ulan sa lungsod ng nagdudulot ng baha.
Mainam naman ang paggamit ng bota sa ganitong panahon, mainit man bagamat mas tiyak nito ang kaligtasan lalo na kapag sumusuong sa tubig baha. |ifmnews
Facebook Comments