Mga kasong isasampa laban sa pamunuan ng New People’s Army, inihahanda na

64

Inihahanda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga kasong isasampa laban sa pamunuan ng New People’s Army.

Kaugnay pa rin ito sa pagkasawi ng dalawang katao kabilang ang isang college football player na si Keith Absalon dahil sa itinanim na landmines ng NPA sa Masbate City.


Sa isang pahayag, tiniyak ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na tutugisin nila ang mga indibidwal na sangkot sa pagpapasabog kabilang ang kanilang lider.

Una nang sinabi kahapon ni Commission on Human Rights Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia sa interview ng RMN Manila na isang paglabag sa International Humanitarian Law ang paggamit ng NPA ng landmines.

Facebook Comments