MGA KASONG ISINAMPA KAY BINMALEY VICE MAYOR ROSARIO, MAGPAPATULOY SA KABILA NG PIRMADONG IRREVOCABLE RESIGNATION

Patuloy na uusad ang mga kasong isinampa kay Binmaley Vice Mayor Simplicio Rosario kahit pa pirmado na ng gobernador ang kanyang irrevocable resignation
Sa panayam kay Re-elected Mayor Pedro Merrera III, hindi umano abswelto sa mga kasong kinakaharap sa Ombudsman at Commission on Audit ang bise alkalde dahil umano mababago ng kanyang irrevocable resignation ang mga umano’y kakulangan sa bayan.
Saad pa ng alkalde, tinanggap at pinirmahan na ni Governor Ramon Guico III ang pagbibitiw ni Rosario ngayong araw at nakatakda nang manumpa ang konsehal na nanguna sa botohan noong 2022.
Base sa opisyal na tally ng boto noong 2022 Presidential Elections, si Re-Elected Councilor Amelito Sison ang nanguna sa listahan na may 30,369 votes. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments