Mga kasong isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ng 71 percent ang mga kasong isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong nakaraang taon.

Batay sa datus mula sa Sandiganbayan Judicial Records Division, nitong 2018 umabot lang sa 739 ang mga kinasuhang tiwaling opisyal ng gobyerno ng Ombudsman.

Bumaba ito ng 71 percent mula sa 2,513 na sinampa noong 2017.


Nabatid na simula ng maupo bilang pinuno ng Ombudsman si dating Supreme Court Associate Justice Samuel Martires noong August 2018, umabot lang sa 178 cases ang naisampa hanggang Disyembre.

Bumaba ng 81 percent mula sa 978 cases na isinampa sa kaparehong panahon noong 2017 sa ilalim ni Conchita Carpio-Morales.

Samantala, bahagya naman nabawasan ng Sandiganbayan ang mga kasong nakabinbin sa kanilang tanggapan.

Batay sa kanilang records, mula sa 5,493 pending cases noong 2017 ay umabot na lang sa 5,237 ang mga nakabinbin na kaso nitong 2018.

Facebook Comments