Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang mga kaso na isasampa laban sa kanila ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Nicolas Torre III, karapatan naman ng bawat isa na magsampa ng kaso kaya kanila itong iginagalang.
Sinabi pa ni Gen. Torre na handa silang harapin ang kaso sa korte.
Paliwanag pa ni Torre, saka na lang sila magbibigay ng ibang komento kapag naihain na ang kaso sa hukuman.
Nabatid na kasama sa kaso na isasampa ni Duterte laban sa PNP ang disobedience, robbery, at kidnapping.
Tugon ito ng ikalawang pangulo matapos magsampa ng kaso ang Pambansang Pulisya laban sa kanya at kanyang mga staff dahil sa umano’y tensyon sa paglilipat ng ospital sa kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez.