Nanindigan si Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil na ang patong-patong na kasong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte at iba pa ay constitutional duty ng PNP at hindi politically-motivated.
Ayon kay Marbil, nakatuon ang Pambansang Pulisya sa mandato nitong ipatupad ang batas na walang pinapaboran o kinikilingan.
Paliwanag pa nito, ang paghahain ng kaso laban sa isang indibidwal anuman ang kaniyang estado sa buhay ay sumasalamin sa sinumpaang tungkulin ng pulisya sa Konstitusyon at sambayanang Pilipino.
Binigyang-diin pa nito ang mga aral na kanilang natutunan mula sa nakalipas na administrasyon kung saan ang giyera kontra droga at tokhang ang sumira sa tiwala ng publiko sa pulisya.
Ani Marbil, nangako silang papangalagaan ang buhay at karapatang pantao at tinitiyak na igagawad ang hustisya sa mga biktima ng karahasan.