Nananawagan ang abogado ni Senator Leila de Lima na si Atty. Boni Tacardon, abogado sa Department of Justice (DOJ) na kusang iatras ang mga kaso laban sa senadora.
Apela ito ni Atty. Tacardon, makaraang magbawi na rin ng kanyang testimonya laban kay De Lima si dating Bureau of Corrections Officer in Charge Rafael Ragos.
Ayon kay Tacardon, si Ragos ay itinuturing na star witness ng gobyerno sa mga kasong nagsasangkot kay De Lima sa ilegal na droga.
Pinaalala ni Tacardon na matatandaang sinubukan ding gawing testigo ng DOJ si Kerwin Espinosa na unang nagbawi ng testimonya laban kay De Lima.
Umaasa rin si Tacardon na mapapatawan ng preventive suspension ang mga prosecutor na ayon kay Ragos ay pumilit sa kanyang magsinungaling laban kay De Lima.
Ngayon ay pinag-aaralan ng kampo ni De Lima kung paano maihaharap sa korte ang mga pagbaliktad ni Ragos.