Mga kasong nakabinbin sa LTFRB, kailangang maresolba sa loob ng 30 araw —Chairman Vigor Mendoza II

Nagbanta si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chair Vigor Mendoza II na may masisibak sa puwesto kapag hindi maresolba sa loob ng 30 araw ang mga nakabinbing kaso sa ahensiya.

Sa pagtatanong ng DZXL News kay Mendoza, aatasan na niya ang mga regional directors ng LTFRB na magsumite ng mga imbentaryo ng pending cases para maaksiyunan.

Aniya, kapag nakapagsumite na ng imbentaryo ang mga regional directors ay magsisimula na ang pagresolba sa mga ito sa Lunes.

Mahigpit ang direktiba nitong dapat at tapusin ang lahat ng pagdinig sa mga reklamo at maresolba sa loob lamang ng isang buwan.

Facebook Comments