Mga kasong sexual at child abuse ni Quiboloy sa Davao City, nailipat na sa Quezon City; HDO inihain na rin sa korte

Naghain na ang Department of Justice (DOJ) ng mosyon sa korte para pigilan ang anumang tangkang paglabas ng bansa ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Clavano na bahagi ito ng aksyon ng mga prosecutor lalo kung ang inaakusahan ay isang “flight risk” at may kapasidad na lumabas ng bansa.

Titiyakin aniya ng mga prosecutor na mapapanatili sa bansa ang respondent upang harapin ang mga kaso at paratang laban sa kaniya.


Samantala, sinabi naman ni Clavano na pinagbigyan na ng Korte Suprema ang hiling ng DOJ na mailipat sa Quezon City ang mga kasong sexual at child abuse ni Quiboloy sa Davao City.

Kinumpirma rin nito na nasa Pilipinas pa si Quiboloy at sakaling mahanap aniya ang pastor ay dapat itong i-transport sa Maynila para dito ikulong at harapin ang kanyang mga kaso.

Facebook Comments