Mga kasunduan na magpapaigting pa ng ugnayan ng Pilipinas at Israel inaasahang malalagdaan ngayong araw

Sa ikalawang araw ng official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Israel ay nakatakdang magpulong ngayon ang Pangulo at si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Magsisimula ang unang aktibidad ng Pangulo mamayang 12 ng tanghali oras dito sa israel at 5:00 naman dyan sa Pilipinas.

Sa biyahe ng Pangulo dito sa Israel ilang kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Israel partikular ang memorandum of agreement on the employment of Filipino caregivers, memorandum of understanding on scientific cooperation, memorandum of understanding sa pagitan ng board of investments at invest sa Israel.


Inaasahan din na mapapaganda pa ang proseso ng deployment ng mga Pinoy workers sa Israel kung saan mababawasan ang mataas na placement fees.

Umaasa din naman ang pamahalaan na magreresulta ito ng mas maigting na kooperasyon ng Pilipinas at Israel sa larangan ng science and agriculture pati na ang two-way trade and investments.

Ngayong araw din naman bibisitahin ni Pangulong Duterte ang Yad Vashem Holocaust Memorial Center kung saan mag-aalay ito ng bulaklak sa mga biktima ng Holocaust.

Facebook Comments