Mga katangi-tanging LGU at NGOs, gagawaran ng DepEd sa 2022 NLA

Inilatag na ng Department of Education (DepEd) para gawaran ang mga outstanding Local Government Units (LGUs) at Non-Government Organizations (NGOs) sa kanilang pagpupursige na magkaroon ng pangkalahatang kamalayan sa bansa ngayong 2022 National Literacy Awards o NLA.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang literacy programs at projects ng ating gobyerno at NGOs ay malaki ang naitulong sa kahirapan, pagbibigay ng livelihood, pagtugon sa pangangailangan ng tao, gawing madaling maipaaabot sa mga mag-aaral at ang mga pasilidad sa edukasyon lalong-lalo na ang kanilang dedikasyon at commitment upang tuluyan ng masawata ang problema ng kamangmangan sa bansa.

Base sa Literacy Coordination Council (LCC), ang NLA ay layong kilalanin ang kanilang best literacy practices na bitbit ng LGUs at NGOs kung saan pinapalaganap nila ang kahalagahan ng kaalaman sa pag-unlad ng buong bansa.


Paliwanag ni Secretary Briones na ang NLA ngayong taon ay may tatlong kategorya ito ay ang Outstanding Local Government Unit, Outstanding Literacy Program, at Special Award of Excellence in Literacy.

Isusumite ng LGUs at NGOs ang nominasyon sa kanilang DepEd Regional Offices, sa pamamagitan ng Regional NLA Coordinator, mula April 25 hanggang May 11, 2022 at ang Nominees para sa Special Award of Excellence in Literacy category ipapabatis sa kanilang ng LCC Secretariat.

Facebook Comments