Mga katangian ng Birheng Maria, dapat isadiwa sa gitna ng mga sakuna, gulo sa pulitika, at sigalot sa lipunan —VP Sara Duterte

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang sambayanan na pagnilayan ang diwa ng katatagan tulad ng pinagdaanan ng Birheng Maria.

Kasabay ito ng Kapistahan ng Immaculate Conception ngayong araw na ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na dapat ding magsilbing gabay para sa pagkakaisa ng bansa ang lakas at kababaang-loob ng Mahal na Ina.

Sinabi pa ni VP Sara na sa gitna ng mga sakuna, gulo sa pulitika, at sigalot sa lipunan, nawa’y ang selebrasyong ito ay mag-udyok sa sa bawat isa na magtanim ng pag-asa, magbigay ng suporta sa isa’t isa, at magtrabaho tungo sa pag-unlad.

Facebook Comments