
Naglabas ng memorandum circular ang Archdiocese of Manila kaugnay sa paggunita ng Red Wednesday ngayong taon.
Ayon sa Archdiocese, ito ay bilang pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinaslang dahil sa kanilang pananampalataya.
Magsasagawa ng Votive Mass sa lahat ng simbahan, oratories at Catholic institutions sa November 26.
Muli ring magliliwanag ang harapan ng mga simbahan ng kulay pulang ilaw na simbolo ng pagdanak ng dugo.
Hinihikayat naman ang mga magsisimba na magsuot ng kulay pulang damit bilang pakikiisa sa Red Wednesday.
Taong 2017 nang simulan sa Pilipinas ang paggunita rito at inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong 2020 para isagawa kada taon.
Facebook Comments









