Mga katunggali sa pulitika, welcome na magkampanya sa Maynila ayon kay Mayor Isko Moreno

Walang nakikitang problema si Mayor Isko Moreno kung nais ng lahat ng pulitiko lalo na ang kaniyang katunggali na magsagawa ng caravan o mangampanya sa Maynila ng walang permit.

Ayon kay Mayor Isko, may libre nang permit ang mga kandidato para sa May 9 national election dahil sa kanya na mismo nanggaling ang pahintulot na sila ay maaring pumasok para mag-kampanya sa ilang lugar sa Maynila.

Sinabi pa ng alkalde na hindi na kailangan pang mag-apply o kumuha ng motorcade permit at puwede rin maglagay ng entablado kung kanilang nanaisin.


Nanawagan din si Mayor Isko sa kanyang mga political leaders at supporters na ibaba na ang malalaking billboard sa highway dahil Ito ay ipinagbabawal sa sukat na inilatag na patakaran ng Commission on Election (COMELEC).

Pakiusap pa ni Yorme, kung maari ay sumunod sa mga alituntunin ng COMELEC guidelines o omnibus election code ang kaniyang mga taga-suporta ngayong election period.

Paalala pa nito sa kanyang mga supporters, maging magalang sa kapwa at huwag lumabag sa alituntunin ng komisyon.

Facebook Comments