Patuloy na pinararangalan at sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Umingan, Pangasinan ang mga katutubong pamayanan sa bayan bilang pagkilala sa kanilang kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan.
Bahagi ito ng pagdiriwang para sa mga katutubong pamayanan na layuning mapanatili ang pagpapahalaga sa kanilang mga ugat at pagkakakilanlan.
Sa mensahe ng lokal na pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa sa pagitan ng mga katutubo at iba pang sektor ng lipunan.
Hinikayat din ang mga mamamayan ng Umingan na patuloy na ipaglaban at protektahan ang karapatan ng mga katutubong pamayanan, kasabay ng pagtanggap at pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bayan.
Ilan sa mga tampok na bahagi ng pagdiriwang ang mga cultural presentations at talakayan ukol sa karapatan at kinabukasan ng mga katutubo.









