Mga katutubo, senior citizen, solo parent, transport sector at mga kabataan sa Porac, Pampanga, nabuhayan ng loob sa mga programa ng Lacson-Sotto tandem

Ikinatuwa ng mga katutubo, senior citizen, solo parent, transport sector at mga kabataan sa mga inilalahad na mga programa nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malaking maitutulong sa kanilang hanay.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem, ang pinakamabisa na magpatupad ng batas ay iyong mga gumawa ng batas at malaki anila ang kanilang magagawa rito dahil na rin sa malawak nilang karanasan bilang mga mambabatas.

Ibinida pa nina Lacson-Sotto tandem ang bagong programa nila para sa mga senior high school na bibigyan nila ng tig-₱5,000 buwanang allowance habang sila ay nag-aaral ay silang sinasahod.


Paliwanag ng mga beteranong senador ang problema anila sa gobyerno ay ang pagpatutupad ng IRR o Implementing Rules Regulation kung saan marami na umanong batas pero kulang sa implementasyon ang pamahalaan at kung sila umano ay papalarin na manalo sa eleksyon tinitiyak nila maipatutupad nila ng maayos.

Dagdag pa nina Lacson sa mga nagnanais na maging doktor naman wala na umano sila problemahin pa sa matrikula dahil may libreng pag-aaral na sa mga gustong magdoktor na iniakda ni Sotto na libreng mag-aaral na ang mga mahihirap na Pilipino na nais na maging doktor.

Facebook Comments